Una sa Balita

Bank secrecy law, luwagan na

0 332

Kung talagang seryoso ang gobyerno at ma­ging ang mga politiko sa kampanya sa katiwalian ay kailangan ng bagong batas ukol dito.

Napapanahon ang panukala ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na luwagan ang umiiral na bank secrecy law sa bansa.

Totoong makakatulong ito sa kampanya laban sa corruption sa gobyerno na kinasasangkutan ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

Mainam din ang panukalang batas ni Senator Panfilo Lacson na tanggalan ng proteksyon sa bank secrecy law ang mga opisyal at hanggang sa pinakamaliit na empleyado ng gobyerno.

Pero ang mas pinakamainam ay luwagan na ang batas na ito para sa lahat mula sa taga­gobyerno at maging sa probadong sektor kabilang ang sa media.

Bantayan ng publiko ang mga senador at kongresista na tututol sa panukala sa pag-amyenda sa bank secrecy law.

Maaari kasing isipin natin ang mga papalag sa pagluluwag ng bank secrecy law ay mga taong may itinatagong yaman sa bangko.

Sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ay makakabuting isama sa requirement bukod sa statement of assets, liabilities and networth (SALN) ang awtomatikong waiver na hindi sila nagpapasakop ng proteksyon sa bank secrecy law.

Kung seryoso rin mismo ang administrasyon ay maaaring isama ang panukala sa mga priority bill ng Malacañang upang mabilis na umusad ang panukala at maging ganap na batas.

Magandang ipatupad ito sa panahon ng kampanya sa eleksyon na ang mga kakandidato ay mawawalan ng proteksyon sa bank sec­recy law kapag naupo sa puwesto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy