Una sa Balita

Bank secrecy alisin sa tax amnesty – Digong

By
0 618

TUTOL si Pangulong Rodrigo Duterte sa general tax amnesty na nakapaloob sa Republic Act no. 11213, o ang The Tax Amnesty Act of 2019.

Dahil dito vineto ng Pangulo ang probisyon sa enrolled bill at hiniling sa mga mambabatas na magpasa ng tax amnesty bill na maggagarantiya ng tunay na reporma sa pagbubuwis.

Sinabi ng Pangulo sa hindi siya sang-ayon sa general amnesty provision dahil magiging dahilan ito ng pandaraya sa mga darating na araw.

Sa kanyang veto message sa Kongreso, hiniling ni Pangulong Duterte na isama sa panukala ang pag-aalis sa bank secrecy, lalo pang pagandahin ang automatic exchange of information at magtakda ng probisyon na titiyak sa makatotohanang deklarasyon ng net worth at assets ng isang indibiduwal.

“Sinama niya iyon, kasi nga, because of the confidentiality hindi mo mala­laman kung totoo o hindi. Pero kung ili-lift mo nga naman iyon, hindi ka na makapagsinungaling, kasi madaling tingnan iyong deposits mo sa bangko. Iyon ang reason kung bakit,” paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa ginawang pag-veto ng Pangulo sa nasabing probisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More