Una sa Balita

Bangus Festival

By
0 448

Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang iba’t ibang pista at selebrasyon na ipinagdiriwang ang makulay at masigla nitong kultura bilang isang bansa. Halos lahat ng bayan ay mayroong taunang fiesta.

Para sa anupamang kadahilanan kung bakit ipinagdiriwang ang mga ito —maaaring dahil sa pasasalamat gaya ng Pahiyas ng Lucban o dahil sa pagbibida ng mga lokal na produkto gaya ng Bangus Festival sa Dagupan — ang mga selebrasyong ito ay nagpapatunay ng pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ang pagdiriwang ng Dagupan City ng taunang Bangus Festival tuwing buwan ng Abril ay hindi lamang naglalayong ipagmalaki ang kagandahan ng mga produkto nitong bangus; ito ay naglalayon ding patatagin ang samahan ng bawat miyembro ng komunidad.

Ang iba’t ibang aktibidades na nakalatag sa kahabaan ng selebrasyong ito ay para sa mga lokal na mamamayan gayundin para sa mga turista.

Higit sa kasiyahang dulot ng street dances, mga konsiyerto at kainan sa kabilugan ng Dagupan, ang 2018 Ba­ngus Festival ay nagkaroon din ng iba’t ibang sports activities, family cooking competitions at job caravans, na nagpatatag at lalo pang nagpasigla pagsasamahan at pagkaka-isa ng pamilyang Pangasinense at ng iba pang miyembro ng Pilipinong komunidad.

Aking malugod na binabati ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, na pinamumunuan ni Mayor Belen T. Fernandez, para sa isa na naming matagumpay na Bangus Festival ngayong ton.

Akin ding pinasasa­lamatan ang mga mamamayan ng Dagupan City para sa pagbabahagi nila ng kanilang natatanging yamang-tubig, ang bangus, na siyang nagbigay sa kanilang bayan ng bansag na Milkfish Capital of the Philippines.

Higit sa kahalagahan sa kultura ng pagdiriwang ng mga ganitong uri ng pista, gaya ng Ba­ngus Festival ng Dagupan City, ang mga selebrasyong ito ay nagbibigay-daan upang maibigay ng mga lokal na lider ang mga bayan gayundin ng mga mamamayan ang kanilang mga kakayahan at potensiyal.

Ang mga preperasyong isinasagawa upang maging posible ang mga selebrasyong ito ay tunay na pagsubok sa lokal na pamahalaan. Ito ay isang sukatan ng pagkaka-isa ng bawat mamayan at husay ng mga taga-pamuno. Ito ay nagbubukload sa bawat isa tungo sa progreso at pagkaka-isa.