Una sa Balita

Bangsamoro Organic Law niratipikahan ng Kamara

By
0 1,208

Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ilang minuto matapos buksan ang sesyon kahapon, Hulyo 24 ay agad na pinagbotohan (viva voce voting) ang pagpapatibay sa BOL.

Matatandaan na nabitin ang pagratipika sa BOL bunsod ng nangyaring pagpapalit ng liderato ng Kamara nitong Lunes, Hulyo 23.

Pinalitan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker.

Inaasahan sana na bago o pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rod­rigo Duterte ay mapipirmahan ang BOL.

Inihayag ni Speaker GMA na prayoridad sa agenda ng sesyon kahapon ang pagpapatibay sa BOL.

Sa hiwalay na panayam naman kay Davao City Rep. Karlo Nograles sinabi na kinakailangang maratipikahan ang BOL alinsunod na rin sa paha­yag ni Pangulong Duterte.