Una sa Balita

Bangsamoro cops nag-tindero sa mga kabahayan

0 433

Ang pagronda ng “rolling stores” ang isa sa naisip na paraan ng PNP Bangsamoro Automous Region para hindi na lumabag sa ipinatutupad na social distancing dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, ang mga taga Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Captain Jemar Delos Santos, tagapagsalita ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mga pulis na mismo ang pumupunta sa mga kabahayan para hindi na lumabas ng kanilang tirahan upang mamalengke kaya’t nagbebenta na lang sila sa pamamagitan ng rolling stores ng mga pangunahing pangangailangan.

Kabilang sa kanilang inilalako sa murang halaga ang bigas, sardinas, noodles, at 3-in-1 coffee.

Natuwa naman si Police Brigadier General Manuel Manalo Abu, Regional Director ng PRO BAR sa pakikiisa dito ng mga taga-Lanao Del Sur.

Aniya ginagawa nila ang operasyon ng rolling stores sa walong bayan sa Lanao Del Sur bilang bahagi ng pagsunod nila sa ipinatutupad na `Bayanihan we heal as one act’ katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lanao Del Sur. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More