Una sa Balita

Bangko Sentral nagsubi ng ₱25M sa dayong consultant

By
0 415

BAGO pa tuluyan na mawalan ng bilib ang mga international ­observer sa ekonomiya ng Pilipinas ay naglaan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P25.4 milyong budget ngayong taon para sa “international economic communications consultant.”

Nitong Enero ay pinuna ng Fitch Group, isang international credit ratings agency, ang kahinaan ng exports ng bansa at ang tinatawag na private consumption o ang paggastos ng mga mamamayan. Malaki ang kontribusyon ng dalawa sa paglago ng ekonomiya at ang paghina ng dalawang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit babagal ang paglago ng ekonomiya ngayong taon sa pananaw ng Fitch.

Hindi bilib ang Fitch sa Build program ng administrasyong Duterte.

Nasa P1.83 trilyon na ang dinagdag ng administrasyong Duterte sa utang ng Pilipinas simula nang umupo ito sa puwesto. Halos 1/4 ng kabuuang utang ng pamahalaan ay sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinuha kaya’t umabot na ito sa P7.78T.

Ayon sa procurement plan ng BSP, ang investor relations office (IRO) nito ang sasagot ng gastos para sa international economic communications consultant na ipapa-bidding nga­yong first quarter. Plano ng IRO na i-award ang kontrata sa second quarter ngayong taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy