Una sa Balita

Bangko para sa mga OFW

0 30

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 44 na nagbigay ng pahintulot sa Land Bank of the Philippines para bilhin ang Philippine Postal Savings Bank (PPSB) at gawing itong isang bangko ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Bahagi ito ng Philippine Development Plan 2017-2022 ng kanyang administrasyon na bigyan ng prayoridad ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanilang mga pangangailangang pinansyal.

Inutos din ni Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng EO44, na maglaan ang Land Bank ng kapital para maging matatag ang itatayong Overseas Filipino Bank.

Related Posts

Kabilang din sa itatayong bangko ng iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa ating mga migrant workers katulad ng Overseas Workers Welfare Administration gayundin ang pribadong sektor na kumakatawan sa interes ng mga OFWs.

Malaking tulong ang bangkong ito para sa ating mga OFWs lalo pa’t layunin din nito na matulungan sila sa kanilang mga pangangaila­ngan. Kabilang dito ang pagkakaloob sa kanila ng maayos na foreign remittance services. Mas mapapadali na ang pagpapadala ng pera ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas at mababawasan din ang mataas na remittance fee.

Bukod sa puwede na silang magpadala ng pera sa pamamagitan ng bangkong ito ay maaari din silang makapag-impok dito. Matutulungan din sila sa kanilang mga pinansyal na pangangailangan.

Milyun-milyong mga kababayan natin ang nagtatrabaho sa ibang bansa at kung susuportahan nila at ng kanilang mga pamilya ang itatayong bangko ay siguradong magiging matatag ito.