Una sa Balita

Bangkay tinapon sa Manila Bay

0 387

MAY dalawang sugat sa gitna ng dibdib at nakatali ng packaging tape ang paa at kamay nang lumutang ang naaagnas nang bangkay ng isang lalaki sa Manila Bay sakop ng Pier 13, Port Area.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-40, may taas 5’7, may tattoo na Wagner sa kanang braso at litrato ng isang lalaki na may nakasulat na Superior.

Bago mag-alas-sais kamakalawa ng gabi nang mamataan ang bangkay ng biktima sa lugar kaya kaagad na itinawag sa Philipine Coast Guard (PCG) para maiahon.

Hinala ng pulisya na pinatay muna bago itinapon sa lugar ang biktima dahil walang residente sa lugar ang nakakakilala sa biktima.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen at ang pagkakakilanlan ng biktima na dinala sa Cruz Funeral para sa safe keeping at awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More