Una sa Balita

Bangkay ni dating WWE star Gaspard nakita na

0 392

WALA nang buhay nang matagpuan si dating WWE superstar Shad Gaspard matapos itong mapaulat na nalunod sa Venice Beach habang kasama ang kanyang mag-ina nitong Linggo (Monday/Manila time).

Sa report, narekober ang katawan ni Gaspard sa Venice Pier matapos mamataan ng isang local citizen ganap na ala-1:30 ng madaling araw.

Agad namang rumesponde ang pulisya kung saan kinumpirma ng LA Fire Department na ang hinahanap na pro-wrestler ang namataan matapos mag-match ang pagkakakilanlan nito.

Magugunitang nitong Linggo ay naiulat na nawawala si Gaspard matapos tangayin ng malakas na alon. Kasama nitong nagtatampisaw sa dagat ang 10-anyos na lalaking anak sa newly reopened na Marina Del Rey nang mangyari ang sakuna.

Agad namang nasagip ang kanyang anak subalit tuluyang inanod ng tubig ang wrestler hanggang sa matagpuan nang patay.

Kilala si Gaspard at ka-tandem nitong si JTG na binansagang `Cryme Time’ bilang mga WWE star.

Bumida rin sa headlines si Gaspard noong 2016 sa kanyang tapang at kabayanihan nang patigilin nito ang isang nakawan sa Florida. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More