Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay ng PCG personnel bumulaga sa barracks

0 19

Masusi ngayong iniimbestigahan ang pagkamatay ng 42-anyos na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng PCG Special Operations Force Training Center sa Barangay Talacagay, Hinoba-an, Negros Occidental.

Sa report, ang biktimang di na pinangalanan ni Police Lt. Jaime Depillo, deputy police chief ng Hinoba-an Municipal Police Station ay mula sa North Cotabato. Nakatakda sana itong magdiwang ng kanyang kaarawan ngayon, Setyembre 15.

Ang bangkay ng biktima ay nabungaran ng kanyang pamangkin na may tama ng bala sa ulo sa barracks katabi ang isang M16 rifle.

Sinisiyasat pa ngayon ng pulisya ang insidente kung saan sinisilip din ng mga ito kung may foul play o ‘accidental firing’ ang nangyari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.