Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay ng OFW bumulaga sa recruitment agency

0 116

Wala ng buhay nang madiskubre ang isang 40-anyos na babae sa loob ng Recruitment agency na kanyang tinuluyan, kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – homicide section, tatlong araw na lang ay papaalis na ang biktimang si Lorena Macayan y Ramos, may-asawa at pansamantalang nanunuluyan sa isang recruitment agency sa 1112 Ala Building sa Pres. Quirino Avenue, Malate papuntang Kuwait nang matagpuan ang kanyang bangkay.

Sa imbestigasyon ni PSMS Aldrin Cacho, alas-9:00 ng umaga nang madiskubreng patay ang ginang sa ika- 4 na palapag ng MMML recruitment agency.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng alas-8:30 ng gabi nang dalhan ito ng pagkain ng isang staff ng agency. Kinabukasan ay nabungaran itong wala ng buhay.

Dinala ang biktima sa Cruz Funeral para maawtopsiya at malaman ang sanhi ng ikinamatay nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.