Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay ng lalaki umalingasaw sa compound

0 47

Nadiskubre dahil sa masangsang na amoy ang mga labi ng 52-anyos na lalaki sa isang compound sa Bacoor City, Cavite.

Hinihinala na limang araw nang patay si Joel Espiritu bago ito natagpuan sa Espiritu compound sa Brgy. Habay 1. Ayon sa kamag-anak nito na si Homer, alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang nala­mam na patay na ang biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmula sa kanyang bahay.

Napansin umano ng mga huling nakakita kay Espiritu na nakainom ito, at dahil din sa umiiral na enhanced community quarantine, binalewala nila ang hindi nito paglabas sa kanyang bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima bagama’t wala namang ebidensiya na pinasok ang kanyang bahay o palatandaan na sinaktan o pinahirapan.

Pero naniniwala ang mga kapitbahay ni Espiritu na dumanas ito ng hypertension. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.