Una sa Balita

Bangkay ng bata nasa bagahe

By ,
0 4

Pansamantalang pini­gil sa Zamboanga City Port ang isang la­laki makaraang matuklasan na bangkay ng bata ang laman ng kanyang bagahe kamakalawa ng gabi.

Sa ipinarating na report ng Zamboanga City Police, inireport sa kanila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang pagpigil nila sa suspek na si Alex Insana matapos matuklasan ang bangkay ng isang bata.

Napag-alaman na dumaan sa scanner machine ang bagahe ni Insana kaya nakita rito ang bangkay at agad siyang pinigil.

Papunta sana sa Basilan ang suspek nang ito ay pigilin dahil sa kanyang bagahe.

Ayon ka Insana, ang bangkay ng batang lalaki ay anak ng kanyang tiyahin na si Andah Kabulot at inutusan lamang siya na ibiyahe ito sa Basilan para ilibing sa pamamagitan ng Muslim rites.

Pero makalipas ang isang oras ay dumating ang isang kamag-anak ni Insana at ipinakita ang death certificate ng bata kaya pinalaya rin ito ng awtoridad.