Una sa Balita

Bangkay ng babae sa kalsada ng Cavite hindi pa kilala

By
0 583

KINIKILALA pa hanggang ngayon ang bangkay ng babae na nadiskubre sa tabing kalsada sa Barangay Cabuco lungsod ng Trece Martires, Cavite kamalawa nang gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng itinapon lang sa lugar ang biktima na tinatayang nasa edad 30-35, may taas na 5’2”, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng maong short at sando.

Nakabalot ng packaging tape ang buong ulo at braso ng biktima na kinakitaan rin ng sugat sa gitnang bahagi ng dibdib

Nakita ang bangkay kamakalawa bandang alas-10 nang gabi. Inaalam na ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa babaeng biktima pati ang may kagagawan ng krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy