Una sa Balita

Bangkay ng babae sa Binangonan 

By
0 302

Isang bangkay ng babaeng nasa edad 20-25 anyos ang natagpuang patay na pinaniniwalaang ni-rape matapos makita ng ilang bata na ­naglalaro malapit sa damuhan ­kamakalawa ng tanghali sa Binangonan, Rizal.

Batay sa report, napansin ng ilang batang naglalaro sa Bilog St., Sitio Pandayan, Barangay Batingan, Binangonan bandang alas-11:30 ­Biyernes ng tanghali na may nakaumbok sa masukal na damuhan kaya tinignan nila ito.

Nagulat na lamang ang mga bata nang makita ang isang patay na babae na tinakpan ng mga damo.

Ayon sa pulisya, ­natagpuan ang bangkay na walang saplot sa ­katawan at basag ang ulo na ­posibleng hinampas ng matigas na bagay at saka pinagsamantalahan.

Kasalukuyang ­iniim­bestigahan ng ­pulisya ang pagkamatay ng ­biktima habang ­sinisiyasat kung may nakakabit na CCTV camera sa paligid upang malaman kung sino ­huling nakasama ng biktima. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy