Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay ng babae lumutang sa Laguna lake

0 495

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang lulutang-lutang sa Laguna lake sakop ng bayan ng Lumban, Martes ng gabi.

Ayon sa report ng Lumban Police, natagpuan ng isang mangingisda ang bangkay sa may tabing lawa sa Brgy. ng Wawa alas-sais ng gabi.

Una nitong inakala na bangkay ng hayop ang nakalutang subalit nang lapitan ay natuklasan na isa itong katawan ng tao na nasa state of decomposition na.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa middle age ito at nakasuot ng floral blouse at itim na palda.

Isinasailalim pa sa pagsusuri ang bangkay upang malaman kung ano ang ikinasawi nito o kung ito ba ay biktima lamang ng pagkalunod.

Nakalagak ang bangkay sa isang puneraria sa bayan ng Lumban habang hinihintay na kilalanin ng sinuman na may nawawalang babaeng kaanak. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.