Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay ng ‘adik’ sinilid sa sako

0 17

Natagpuan ang isang hinininalang biktima ng salvage sa Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na isinilid ang bangkay ng hindi pa tukoy na lalaking biktima sa isang sako ng bigas saka tinalian ng duct tape at electrical wire, tapos tinakpan ng karton.

Sa ulat ni P/SSg. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police Station, dakong alas-kuwatro Linggo ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng Imus CPS hinggil sa natagpuang labi ng isang lalaki na nakasilid sa sako sa Daang NIA, Barangay Medicion 2B, Imus City.

Bukod sa nakasilid sa sako, nilagyan din ang bangkay ng signage sa ibabaw na, “Huwag pamarisan, adik na, manyak pa.”

Pinaniniwalaan ng pulisya na sinalvage ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.