Una sa Balita

Bangkay ng 10 nawawalang sailors narekober na — US Navy

By
0 97

SINGAPORE — Kinumpirma ng US Navy nitong Lunes na narekober na nila lahat ang bangkay ng 10 sailors na nasawi matapos bumangga ang warship na John S. McCain sa isang merchant vessel sa karagatan malapit sa mga bansang Singapore at Malaysia kamakailan.

Ang guided-missile destroyer ay bumangga sa Alnic MC east ng Singapore noong nakaraang linggo habang paparating ito sa city state para sa isang routine port visit.

“The US Navy and marine corps divers have now recovered the remains of all 10 USS John S. McCain sailors,” ayon sa ipinalabas na pahayag ng Seventh Fleet sa kanilang website.

Nitong Huwebes inihayag ng navy na kanilang sinuspinde ang malawa­kang search and ­rescue ope­rations matapos ma­tagpuan at kilalanin ang labi ng mga sailors.

Natagpuan ng navy ang bangkay ng mga nawawalang mga sailors sa loob ng sealed sections ng nasirang hull ng warship na kasaluku­yang nakadaong sa Changi Naval Base sa Singapore.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy