Una sa Balita

Bangkay natagpuan sa roof deck ng ospital

0 627

PATAY na nang matagpuan ang isang tubero sa roof deck ng bagong gusali ng Chinese Gene­ral Hospital and Medical Center kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PO3 Dennis Suba, Imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay nakilalang si Alberto Baldoza, 48, maintenance/plumber ng Ecalnea Design and Engineering Services na nakatalaga sa natu­rang pagamutan at taga Block 1, Lot 4, Agoncillo Street, Barangay Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City.

Dakong alas-10:05 nang umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima kung saan huli umanong nakitang buhay ang biktima ng isang John Marvin Ho, dakong alas-8:05 nang gabi ng Enero 14 sa comfort room ng maintenance department ng pagamutan.

Hindi umano nakapag-duty si Baldoza kaya hinanap.

Kinabukasan, nadiskubre na lamang ang bangkay nito sa tuktok ng ospital.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping habang hinihintay ang pagdating ng kanyang mga kaanak. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy