Una sa Balita

Bangkay nagpakamatay sa Quezon resort

By
0 4,309

NATAGPUANG nakabigti ang character actor na si Jose Clemente ‘Nonong’ de Andres o mas kilala sa tawag na ‘Bangkay’ sa showbiz, sa kanyang pinamamahalaang beach resort sa Plaridel, Quezon, kahapon nang umaga .

Ang katawan ni De Andres ay natagpuan ng caretaker na si Larry Liwanag sa isa sa mga cottage sa Tumagay beach resort sa Barangay Tumagay dakong alas-3:45 ng madaling-araw.

Ayon kay Quezon police director, Senior Superintendent Osmundo de Guzman, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang character actor na posible umanong dahil sa kanyang matagal ng iniindang karamdaman na emphysema.

Ang 72-anyos na tubong Masbate na si De Andres ay 14-taon nang namahala sa nasabing beach resort na pag-aari ng mayor ng Plaridel.

Si Bangkay ay nagsimula bilang graphic layout artist sa RVQ Productions na itinatag ng yumaong comedy king na si Dolphy.

Huling pelikula na ginawa nito ang ‘Forevermore’ ni Liza Soberano at Enrique Gil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy