Una sa Balita

Bangkay na umiihi at dumudumi sa Vigan

By
0 3

Binabantayan pa rin ng isang pamilya ang anak na batang lalaki na idineklarang patay na sa Gabriela Silang Gene­ral Hospital sa Vigan City na hanggang ngayon ay hindi ineembalsamo dahil sa pag-aakalang buhay pa ito.

Ayon sa ina ng bata na si Margie Barcena ng Barangay Casili, hindi umano itinuloy ang pag-eembalsamo sa katawan ni John Paul Barcena, 4-anyos dahil hindi umano tumigas ang katawan ng bata kahit na magdamag nang idineklarang namatay.

Ang ipinagtataka­ ngayon ng pamilya at mga tao sa kanilang lugar ay hindi na humihinga­ ang bata ngunit nalulunok niya ang tubig kapag pinapainom, umiihi at dumudumi pa.

Dahil sa pag-asang buhay ang anak, ang inang si Margie ay ipinaalbularyo ito at sinabi umano siyang natutulog lamang ang bata.

Si John Paul ay namatay dahil sa sakit na pneumonia.