Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay lumutang sa creek

0 82

Wala nang buhay ang isang lalaki nang matagpuan ito sa gilid ng creek sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Pasado alas-sais na nang makita ng isang bata ang bangkay na nakasubsob sa gilid ng creek sa Brgy. Talayan ng nasabing lungsod. Nasa 40-45 ang edad nito, nakasout ng puting t-shirt at short na maong.

SM food to go Banner Ad

Wala itong palatandaan na may tama ng baril at saksak sa katawan, maliban sa mga gasgas sa braso dulot ng pagkakaanod. Hinala ng mga barangay official tinangay ng agos hanggang sa malunod ang lalaki lalo pa’t malakas ang naging pag-ulan.

Kwento ng mga residente hindi lang ito ang unang pangyayari na may inaanod sa nasabing creek, lalo na kapag umulan nang malakas at matagal na ulan.

Inaalam na ang pagkakakilanlan sa bangkay. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.