Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangkay itinapon sa lawa: Dating boxing champion pinatay buntis na dyowa

0 36

SUMUKO ang isang champion boxer sa mga awtoridad matapos makita ang girlfriend nito na wala nang buhay sa isang lawa.

Nahaharap sa kasong kidnapping at carjacking resulting to death si Puerto Rican slugger Felix Verdejo dahil sa pagkamatay ng karelasyon nito na si Keishla Rodriguez.

Isa pang maikakaso sa dating Olympian ay ang pagkamatay ng isang hindi pa napanganganak na sanggol dahil buntis pala si Rodriguez.

Ayon sa report ng New York Times, posibleng maharap sa parusang death penalty ang 27-anyos na boksingero.

Batay sa reklamong hinain sa Federal Bureau of Investigation, sinuntok umano ni Verdejo ang kanyang girlfriend at tinurukan ng kemikal na hindi pa matukoy.

Umaga ng Huwebes ay hinulog umano si Rodriguez sa isang tulay, habang may nakataling malaking bloke sa kanyang kamay at paa.

Ayon sa reklamo, binaril ni Verdejo si Rodriguez matapos niya itong ihulog sa tulay.

Saad ng pulisya, hindi sumasagot sa kanilang mga tanong ang boksingero pati ang mga abogado nito. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.