Una sa Balita

Bangkay bumulaga sa resort

0 301

Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki sa isang creek ng isang resort sa Camarines Sur.

Sa ulat ay kinilala ang biktima na si Roberto Patoc, 58-anyos, maintenance worker sa isang resort sa Brgy Tagongtong, Goa ng nabanggit na lalawigan.

Sa report ng Goa PNP, patay na nang mamataan ng kanyang mga katrabaho ang biktima sa loob ng resort.

Masusi ngayong inaalam ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa insidente.

Isinailalim din ang biktima sa necropsy examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More