Una sa Balita

Bangkay bumulaga sa housing project sa Laguna

By
0 1,631

ISANG bangkay ng lalaki na naagnas na ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa loob ng isang housing project sa Biñan City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Ang hindi pa nakikilalang bangkay na may lubid na nakabigti sa leeg ay natagpuan ng isang security guard sa madamong bahagi ng Jubilation, Barangay Sto. Nino, Biñan City.

Walang anumang pagkakakilanlan na nakita sa bangkay.

Teorya ng mga pulis, pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang doon ang katawan upang iligaw ang mga imbestigador.

Ayon sa mga residente ilang araw na silang nakakaamoy ng masangsang na amoy sa lugar hanggang sa matuklasan na nanggaling pala ito sa crime scene.

Nasa John Paul Funeral Homes sa Biñan na ngayon ang labi at sinusuri kung ano ang ikinamatay nito.