Una sa Balita

Bangka tumaob sa Boracay, Chinese tourist dedo

0 354

Patay ang isang ­babaeng Chinese national habang nailigtas naman ang 22 pa nitong kababayan matapos tumaob ang ­sinasakyan nilang bangka sa karagatan sakop ng Station 1 sa Boracay ­island sa bayan ng ­Malay, Aklan.

Base sa impormasyong nakuha mula sa Philippine Coast Guard (PCG), mayroong 28 pasahero ang Jocelyn 1 na kinabiblangan ng 23 Chinese, dalawang pinoy tourist guide at tatlong crew kung saan nag-island hopping ang mga ito.

Dakong alas-11:10 ng umaga nang maka-engkwentro ng malakas na hangin ang ­bangka dahilan upang ito ay ­tumaob sa karagatan ­sakop ng Brgy. Balabag, sa bayan ng Malay.

Mabilis namang rumesponde ang ilang bangkang nasa lugar ­gayundin ang ­pamunuan ng PCG at nasagip ang mga biktima subalit apat sa mga chinese national ang isinugod sa Ciriaco Tirol Hospital.

Tatlo sa mga ito ang nagkamalay habang ang isa ay namatay. Kasalukuyan namang ginagamot ang isa pa na kinalalang si Hongfang Kuai, 45-anyos.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng ­pulisya sa naganap na insidente.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More