Una sa Balita

Bangka tumaob sa Bangladesh, 15 todas

0 261

NASAWI ang 15-katao matapos tumaob ang isang bangka sa Bay of Bengal sa Bangladesh nitong Martes.

Ayon sa CNN, sakay ng bangkang pangisda ang may 130 Rohingya refugees nang tumaob sa Saint Martin’s ­Island.

Na-rescue naman ang 71 katao habang 40 pa ang pinagha­hanap ng coastguard vessel, dalawang navy ship at dive teams.

Pinaniniwalaang galing ang bangka sa Teknaf kung saan nanggagaling ang mga tumatakas na Rohingya refugees.

Sa ngayon ay hindi pa batid kung saan patungo ang mga biktima nang mangyari ang insidente. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More