Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangka tumaob, 8 tripulante nasagip ng coast guard

0 16

NAGAWANG mailigtas ng Philippine Coast Guard ang nasa 8 tripulante mula sa motor banca na tumaob sa bahagi ng karagatan ng Semirara, Antique.

Sa report ng Coast Guard Sub-Station Semirara, sinabi nitong tumaob ang MB Roxanne L, kasunod ng malakas na ulan at hangin na bunsod ng habagat. Papunta sana ito ng Semirara Island.

Kaagad na rumesponde ang mga awtoridad at nailigtas ang 8 sakay ng bangka.

Agad silang itinurn over sa Barangay Disaster Risk Reduction Management ng Semirara para bigyan ng paunang lunas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.