Una sa Balita

Bangka sa Mauritania tumaob, 58 migrant tigok

0 265

Nasa 58 katao ang namatay nitong linggo sa pagtaob ng bangka kung saan lulan ang dose-dosenang migrante sa Atlantic Ocean sa Mauritania.

Ayon sa International Organization for Mig­ration sa CNN report, 83 ang nakaligtas sa pamamagitan ng paglangoy matapos ang paglubog ng bangka noong Miyerkoles, Disyembre 4.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nakaligtas na mga biktima.

Sa salaysay ng mga nakaligtas, mahigit 150 na pasahero kabilang ang kababaihan at mga bata ang sakay ng bangka na umalis ng Gambia noong Nobyembre 27.

Naubusan umano ng fuel ang bangka bago ito tumaob na patungo sana sa Canary Islands sa Spain.

Libo-libong migrant mula sa West Africa ang nila­lagay sa peligro ang kanilang buhay na tumatawid sa Atlantic Ocean at Mediterranean Sea para makapunta sa Europe at makahanap ng trabaho. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy