Una sa Balita

Bangka nilamon ng alon: 1 patay, 15 nasagip

0 213

Patay ang isang pasahero habang nasagip naman ang 15 na iba pa matapos lumubog ang isang bangkang de motor dahil sa sama ng panahon Lunes nang hapon sa karagatang sakop ng bayan ng Limasawa sa Southern Leyte.

Kinilala naman ang biktima na si Adelaida Araneta Palero, 65, nadala pa siya sa pinakamalapit na pagamutan suba­lit nasawi rin dahil sa atake sa puso.

Samantala, mata­gumpay namang nasagip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard, pulisya, Limasawa Rescue Team ang 12 pang pasahero at 3 tripulante ng lumubog na MB Ruel na pag-aari at ino-operate ni Ruel Daling, residente ng Brgy. Lugsongan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng PCG Maasin Station, pasado alas-tres nang hapon nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa lumubog na motorbanca na hinampas ng malala­king alon dahil sa sama ng panahon. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy