Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangka na may 12 sakay tumaob

0 40

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 sakay ng isang tumaob na bangka kabilang ang mga menor de edad at mga senior citizen sa karagatan ng Cavite City.

Sa report, nagpalutang-lutang muna sa dagat sa Cavite City ang mga nailigtas. Nakatanggap ng tawag ang PCG-Cavite, Lunes ng gabi, mula sa nagpapatrolyang mga kasamahan kaya nasaklolohan ang mga biktima.

Sinasabing pauwi na ng Las Piñas ang pamilya ni Erwin Ferrer, na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan sa Cavite at nagsilbing kapitan ng bangka. Pero biglang lumaki ang alon sa dagat habang naglalayag sila.

Ligtas nang nakauwi sa Las Piñas ang mga sinagip na inihatid sa Las Piñas ng Coast Guard Rescue Team. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.