Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bangka lumubog sa Sulu, 2 tigok

0 22

Dalawang tao ang namatay habang na-rescue ang 17 pa nang lumubog ang kanilang sasakyang-pandagat sa Sulu Sea noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Naval Force Western Mindanao kamakalawa, natagpuan ang mga biktima sa iba’t ibang panig ng dagat sa kanilang rescue operation na isinagawa noong Huwebes at Biyernes.

Naunang na-rescue sina Amasher Abirin, 38, Wahid Isa, 40, at Alkramier Unding, dakong alas-8:30 ng gabi noong Huwebes, Hulyo 15.

Kinabukasan naman, dakong alas-5:30 ng umaga ay namataan ang 12 sa mga nawawala sa may baybayin ng Sitio Undanan, Barangay Kan Bulak sa Luuk.

Alas-8:30 Biyernes ng umaga naman nang makita ang apat pa, kung saan dalawa sa mga ito ang binawian na ng buhay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Suhula Radjuli, 70, at Sitti Kalahasan Radjuli, 33.

Ayon sa awtoridad, sakay sila ng bangkang ‘Friendly’ at papunta sana sa Jolo mula sa Basilan nang lumubog dahil sa malalakas na hangin at alon na dulot ng masamang panahon. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.