Una sa Balita

Bangka hinagisan ng dinamita, 3 mangingisda lasog

0 327

PATAY ang tatlong mangingisda matapos na hagisan ng dinamita ng hindi pa kilalang mga lalaki ang sinasakyan nilang bangkang de-motor sa gitna ng karagatan sakop ng bayan ng Balud, Masbate.

Kinilala ang mga nasawing mangingisda na sina Arthur Villareal, binata; Lito Salvana, at Rosel Reyes, pawang nasa hustong gulang, habang ­suwerte ­namang nakaligtas ang dalawang kasamahan nila na sina Jomar dela Cruz, 32-anyos, at Noli Almoguera, 35, pawang mga residente ng Brgy. Panubigan ng nabatid na bayan.

Nangyari ito alas-nuwebe Lunes ng gabi sa karagatan sakop ng Brgy. Danao ng nabatid na bayan.

Nangingisda umano ang mga biktima nang ­dumating ang mga suspek lulan din ng bangkang de-motor at sa hindi pa batid na kadahilanan ay ­hinagisan ng mga ito ng dinamita ang bangka ng mga biktima.

Dahil sa pangyayari ay tatlo sa mga mangingisda ang agarang nasawi matapos magtamo ng mga mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang suwerte namang nakaligtas ang dalawa nilang kasamahan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More