Una sa Balita

Banggaan ng truck at trike sa Olongapo, 3 nadale

By
0 1,118

Dead on-the-spot ang driver at isang pasahero ng traysikel habang under observation naman sa pagamutan ang isa pang pasahero nang mabangga ang kanilang sasakyan sa kasalubong na truck kahapon nang umaga.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Arlan Magtibay, 33, at si Randy Donaire, 41, habang nakaratay naman si Jessa Palad sa James L. Gordon Memorial Hospital dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Hindi naman nakilala ang driver at naplakahan ang nakabanggaang truck ng mga biktima matapos takasan ang insidente.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng mga biktima ang Highway sa Purok 1, Libas sakop ng Barangay New Cabalan patungong Dinalupihan, Bataan nang magbanggaan ang dalawang sasakyan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad.