Una sa Balita

Bangag na tulak, arestado sa buy-bust

By
0 5

Halatang sabog pa sa ilegal na droga ang isang 23-anyos na suspek nang dakmain ng mga operatiba ng Cavite Provincial Intellince Branch sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Niog 1 sa lungsod ng Bacoor, Cavite, mag-aalas-nuwebe ng gabi kamakalawa.

Arestado ang tulak na si Reynaldo Maninang y Montillano Jr. alyas Poy, makaraang magbenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na buyer.

Bukod sa ibinenta nitong shabu, nakumpiska rin sa kanyang posesyon ang ilan pang pakete ng hinihinala ring ilegal na droga at buy bust money

Sinubukang ingan ng pahayag ang naarestong suspek ngunit tumanggi itong magsalita tungkol sa pangyayari.