Una sa Balita

Bangag na nakipag-sex sa 2 bangkay kalaboso nang 6 taon

0 1,566

HINATULAN ng isang judge sa United Kingdom ang isang magnanakaw dahil sa pakikipag-sex sa bangkay ng dalawang babae sa isang punerarya.

Inutos ng judge sa Birmingham na makulong ng anim na taon si Kasim Khuram, 23-anyos.

Nabatid na lango sa alak at tumira pa ng marijuana at PCP si Khuram nang pasukin nito ang Co-Operative funeral home sa Walsall Road, Great Barr, Birmingham noong Nobyembre 11, 2018.

Binuksan umanoNni Khuram ang 9 na kabaong at nagparaos sa dalawang babaeng bangkay.

Nahuli si Khuram ng mga pulis habang nasa loob ng punerarya.

Sa isinagawang paglilitis, inamin nito ang kasalanan at humingi ng kapatawaran sa pamilya ng mga babaeng pinagparausan nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy