Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Bandila’ sinibak ng ABS-CBN: Kabayan, Ted, Bernadette tapyas TF

0 1,663

Mistulang sumuko na ang ABS-CBN Corporation makaraang magdesisyon itong tuluyang itigil ang ilang show sa news and public affairs division.

Sa ulat ng Bilyonaryo online news, nagdesisyon diumano ang Lopez management na panatilihin ang top rating TV Patrol sa hanay ng mga news programs kasama ang low-maintenance Teleradyo at ANC shows sa Sky Cable at online.

Inanunsyo rin ngpammunuan ng ABS-CBN na ititigil na ang pagbayad sa mga TV show na kakanselahin kaya maari nang maghanap ng trabaho sa mga kalabang network ang mga tatamaang empleyado simula sa katapusan ng Hulyo.

Kabilang sa mga programang sisibakin ay ang late night news cast “Bandila” nina Julius Babao at Karen Davila.

Gayunman ay mananatili si Babao sa kanyang morning show sa Teleradyo habang si Davila ay magpapatuloy sa kanyang pagho-host sa “Headstart” sa ANC.

Taliwas sa mga anchor, maraming tauhan ng production team ng news ang apektado ng sibakan.

Ayon pa sa source ng Bilyonaryo, ang lahat ng top anchor ng ABS-CBN ay nagkasundong tapyasan ng halos 60 porsiyento ang kanilang kita.

Matatandaang Hunyo 27 pa lamang nang tila nagpakita na ng pagsuko ang ABS-CBN ilang araw bago pa ilabas ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagpapasara sa TV Plus at Sky Cable Direct satellite TV noong Hunyo 30.

Nauna na ring inamin ng ABS-CBN na nasa P35M araw-araw ang nalulugi sa kanila mula nang iutos ng NTC ang operasyon ng TV at radio stations DZMM 630 at MOR 101.9 noong Mayo 5, isang araw bago ma-expire ang kanilang prangk a day after its franchise expired.

Leave A Reply

Your email address will not be published.