Una sa Balita

Bandila ng ‘Pinas tampok sa Ms. World gown

0 193

APATNAPUNG ­kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang nagningning sa Araneta Coliseum nitong Linggo (September 15). Kani-kaniyang pakabugan mula swimsuit hanggang sa long gown competition na talagang isa sa pinaka-aabangan ng mga manonood.

Pagdating sa mga gown, mausisa rin ang mga Pilipino, kung kaya naman mapapansing ­halos lahat ng mga ­kandidata ay nakasuot ng long gown na may mahabang slit at ang kulay ay laging kumikinang.

Maski nga ang comedian-actress na si Ai Ai Delas Alas ay napansin ang pagbibida ng mga kandidata ng kanilang legs mapa-kanan man o kaliwang bahagi.

“Isa lang ang hindi ako maka move on bakit parang lahat ng gown ng contestants may slit ­either sa ­kanan or sa ­kaliwa na mala-Catriona, mga 80% ng gown ganun bakit?” sey ni Ai Ai.

Kung mapapansin din kadalasan ng kulay na kanilang pinipili’y ­talaga sa pageant sa ­panahon ngayon ay ang kulay na makikita sa bandila ng Pilipinas.

Well, kung ito nga ang uso ngayon, siguro’y laking tuwa ng mga ­bayani ng Pilipinas ­dahil sa pagiging patriotic ng mga manlilikha ng damit.

Anyway, isa ang umangat na nag-uwi ng korona bilang Miss World Philippines 2019 na walang iba ­kundi si Michelle Dee na anak ng beauty queen na si ­Melanie Marquez.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy