Una sa Balita

Bandalismo ng Panday Sining

0 393

Dear Abante:

Gumawa na naman ng paglabag sa batas ang Panday Sining. ‘Di na po talaga siguro natatakot sa pangil ng batas at sa banta ni Yorme Isko Moreno ang grupong ito.

Minamaliit na ang kakayahang ipatupad ang batas kaya ginustong masampolan. Mabuti at may apat na nahuli ang mga awtoridad. Pero sabi nila ay hindi pa rin sila titigil sa kanilang ginagawa.

Baka sakaling maghunos dili sila sa maling ginagawa nila ‘pag tuluyan nang pinadilaan ni Yorme ang mga ipininta nila sa mga pader sa Maynila.

Pero kailangan pa bang umabot sa ganu’n kung sa unang warning pa lamang ay sumunod na sila at itinama ang kanilang pagkakamali?

‘Di pa ba pagpapatunay na sinasadya nilang abusuhin ang freedom na meron sila at nakakasira na sa iba? Ikulong talaga dapat lahat ng mga nagbabandalismo!
Shermaine Anacleto

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More