Una sa Balita

Banda ng musiko sa Cavite inararo ng kotse, 3 kritikal

By
0 699

KRITIKAL ang tatlong katao kabilang ang da­lawang menor de edad ng Maliksi marching band habang sugatan ang 13 iba pa nang araruhin ang kanilang grupo ng isang sasakyan habang nagmamartsa sa Bacoor City, Cavite kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang nasa kritikal na kondisyon sina Raccie Torres, 35; Wilbert San Juan, 13 at Christian Joe Silapan, 12 na pawang ginagamot sa St. Dominic Hospital dahil sa matinding tama sa kanilang ulo habang nasa maayos namang kalagayan sina Gilbert San Juan, 18; Erwin Deleon, 37; Adrian Amangka, 17; Cyril Boysa, 11; John Rey Dela Cruz, 12; Harold Christian Oclima, 11; Roel de Lima, 13; Mark Tendencia, 13; Nicole Bacani, 16; jhonanna Manalo, 14; Crisanto Santos, 20 at Lopez Valdez, 22, pawang residente ng Bacoor City, Cavite.

Hawak na ng Bacoor­ police ang suspek na si Jhapet John Cac Gulmatico, 23, binata, service crew ng Marriot Hotel, at residente ng No. 181 Medicion 2C Imus City, Cavite at driver ng isang Mitsubishi Mirage na wala pang plaka.

Sa ulat ni PO3 Francis Mark Cortez ng Bacoor­ City Police Station, dakong alas-2:30 nang madaling-araw habang nagmamartsa ang grupo ng Maliksi marching band na karamihan ay mga kabataan sa Brgy. Maliksi 1, Bacoor City Cavite nang araruhin sila mula sa kanilang likuran ang isang Mitsubishi Mirage na minamaneho ni Gulatico.

Ayon kay Cortez, nakaidlip umano ang driver­ at pagdilat nito ay huli na nang naapakan niya ang preno ng minamanehong sasakyan at banggain ang mga nagmamartsang kabataan.

Nabatid na nakaugalian na umano ng grupo ng Maliksi Marching Band na magmartsa sa lugar bilang panggising sa mga residente upang dumalo ng Simbang Gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy