Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Banchero gamay ni Robinson

0 59

KABISADO na ni Phoenix Super LPG coach Topex Robinson ang likaw ng laro ni Chris Banchero, inaasahang magki-click ang Fil-Italian guard sa Fuel Masters.

May instant connection sina Topex at Banchero.

Assistant coach pa si Robinson sa Alaska nang kunin ng Aces si Banchero bilang fifth pick overall noong 2014.

Alam na ni Robinson kung paano ipapasak ang laro ni Banchero sa pangunahing backcourt ng Fuel Masters nina Matthew Wright at Jason Perkins. Mainam din siyang kumbinasyon kina Justine Chua, RJ Jazul, RR Garcia at Jansen Rios.

SM food to go Banner Ad

Pinamigay ng Aces si Banchero sa Magnolia Hotshots, itrinade naman siya ng Pambansang Manok nitong nakaraang linggo lang sa Fuel Masters para kay Calvin Abueva.

Nakikipag-ensayo pa si Banchero sa Hotshots nang basagin sa kanya ni coach Chito Victolero ang balita.

Tinanggap naman ito ng gunner, ilang oras lang ang nakalipas ay nagsadya na siya sa Phoenix para mag-courtesy call kay team governor Raymond Zorilla.

“So I was excited when I had the chance to talk to Chris because he was so excited to be reunited with me naman,” ani coach Topex. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.