Una sa Balita

Banchero, Alaska pinundi ang Meralco

0 291

Lumaklak si Chris Banchero ng 23 points, 9 rebounds at 4 assists upang pangunahan ang Alaska Milk sa ikatlong pananalasa, pinundi ang Meralco Bolts, 93-89, at lumapit sa liderato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup elims Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nakatuwang ni Chris Banchero si Simon Enciso sa natitirang dalawang minuto ng laro upang lusutan ang Bolts tungo sa pagsungkit ng 4-2 win-loss record sa pagkapit sa fourth spot at haltakin pababa ang biktima sa panlima 3-3.

Isang tres ni Baser Amer sa 1:46 ng laro ang naglapit sa Bolts sa isang puntos na lamang, 88-87, bago lumusot si Banchero sa pagbigay sa 90-87 abante bago sumunod si Enciso sa isang lay-up at split sa free-throw para siguruhin ang panalo.

Huli pa na lumapit ang Bolts sa isang bank shot ni import Gani Lawal Jr. sa 89-92, may 55 segundo pa sa laro subalit hindi na ito nakaiskor pa sa sumunod na segundo upang maputol ang dalawang sunod nitong pagwawagi.

‘Di naglayo ang Aces at Bolts sa na­ging mahigpit na kabuuan ng unang hati sa labanan kung saan walong beses nagpalit ng pagkapit sa abante ang dalawang koponan at tatlong beses nagtabla na pinakahuli sa 42-all.

Tanging anim na puntos lamang ang naitalang pinakamataas na kalama­ngan ng Aces sa iskor na 40-34 mula sa jumper Chris Banchero sa 3:36 ng ikalawang yugto. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy