Una sa Balita

Banatang Ancajas, Sultan aprub

By
0 3,021

MATIRA-MATIBAY ang dalawang ­Pinoy slugger sa Abril 14 sa Las ­Vegas, Nevada upang pag-agawan ang International Boxing Federation super flyweight crown.

Idedepensa ni Ancajas ang kanyang korona laban sa kababayang si Jonas Sultan sa kanilang all-Pinoy showdown, ayon sa co-promoter ng bakbakan na si Sean Gibbons.

“We are good to go for April 14,” wika nito.

Puspusan na sa ensayo ang kampeong si Ancajas (29-1-1, 20 knockouts) sa Survival Camp sa Cavite, samantalang todo-papawis na rin ang mandatory challenger na si Sultan (14-3, 9 KOs) sa Cebu.

Unang all-Filipino world title bout ito matapos ang 1925 world flyweight title showdown nina Pancho Villa at Clever Sencio sa Wallace Field sa Maynila. Nanaig si Villa via ­unanimous decision.

Galing ang 26-anyos at tubong-Panabo City na si Ancajas sa 10th round TKO win laban sa Mehikanong si Israel Gonzales noong Pebrero 4 sa Corpus Christi. (Ferdz delos Santos)