Una sa Balita

Banat ni Joma sa PH-China deal, isnabin – Ping

By
0 404

Iginiit ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi na dapat pang pakinggan si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Binigyang-diin ni Lacson na si Sison ay kasama na lamang ng rebeldeng grupo sa hatian sa nakokolektang extortion money subalit wala nang kontrol sa New People’s Army (NPA).

Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng pagpuna ni Sison sa mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China.

Ipinaliwanag ng senador na sa lahat naman ng administrasyon ay nakakontra si Sison dahil ang layunin lamang nito ay pabagsakin ang gobyerno.

“Ako ang attitude ko, ‘wag na siya (Sison) pakinggan kasi out of touch naman siya. Wala na siya control sa ground. Kasama lang siya sa partehan pag may extortion. Doon lang siya kasali, pinapadala sa kanya parte niya pero sa pakikipag­laban nandun lang naman siya, masarap ang buhay niya,” paliwanag ni Lacson.

Kasabay nito, iginiit ni Lacson na dapat munang pagkatiwalaan ang gobyerno sa mga deal na pinasok sa China subalit dapat din aniyang maging mapagbantay.

Nilinaw naman ng senador na ang kanyang pagkakaalam, memorandum of under­standing (MOU) pa lang ang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang MOU ay pagkakaunawaan pa lamang sila sa mga proyekto o anumang usapin na pagkakasunduan nilang ipatupad.

Kinumpirma rin ng senador na nagpadala na ng kopya si Departmet of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin ng mga deal na nilagdaan ng dalawang Pangulo kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at posibleng ibahagi niya ito sa mga senador ngayong araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy