Una sa Balita

Banat kay Arjo iniyakan ni Ria

Umalma sa mga AlDub fan

By
0 858

Emotional, lumuluha na Ria Atayde ang napanood ng mga fan sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN last Monday night. Bigla ngang naging emotional si Ria, dahil ang topic nga nila ni Kuya Boy Abunda ay sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

“He’s happy!” ang sagot nga ni Ria kay Kuya Boy sa tanong kung kumusta na si Arjo.

At kasunod na tanong, kung may kinalaman daw ba si Maine sa ­‘happiness’ na ‘yon ni Arjo?

“Yeah!” ang walang kakiyeme-­kiyemeng sagot ni Ria.

Pero, bigla rin itong humirit na…

“I don’t know? It’s not kasi my story to tell, eh.”

Pero sabi pa rin niya…

“And right now, as far as I know, they really getting to know each other. They’re friends.”

Nakilala na nga raw ni Ria si Maine.

“I like her. She’s very real.”

So, kung magiging magdyowa sila? O sabi nga ng iba, magdyowa na sina Maine at Arjo?

“I see no problem with that!

“Oh, okey, ganito kasi ‘yon. Kami ni Arjo we don’t really talk about our lovelife. Unless it’s about to go to the next level. Or it’s about to end.”

Sa puntong ito nga naging madamdamin si Ria dahil sa sangkatutak na banat kay Arjo. May mga nagsasabi na nga na ginagamit lang ni Arjo si Maine para sumikat. Na nakilala lang daw si Arjo ngayon dahil kay Maine.

“Of course at the end of the day, I keep saying, it’s their life. Lot of people, sinasabi his successes now has something to do with her, and I think that’s so unfair. He works so hard to get where he is now. And to discredit his work, wow, ha! Not fair at all!” naiiyak na sabi ni Ria.

Nababasa nga ni Ria ang mga masasakit na banat kay Arjo ng mga maka-Maine at Alden Richards.

“I love him kasi so much. ­Emotional talaga ako,” sabi ni Ria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy