Una sa Balita

Ban sa single use plastic gawing urgent

0 444

MALAKI ang ­posibilidad na sertipikahan ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte bilang urgent bill ang pag-ban sa paggamit ng plastic sa bansa.

Nabatid na inihayag ni Duterte ang ideya sa cabinet meeting noong Miyerkoles para mabig­yan ng proteksiyon ang kapaligiran.

“Tingnan natin kung merong miyembro ng Kongreso o Senado na magpausad ng ganyang idea. Dahil suportado na ni Presidente, eh ‘di ­hindi kataka-taka,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo nang hingan ng reaksyon.

Nabatid na sa ­Senado ay iniakda ni ­Senator Se­nator Cynthia ­Villar, ang Senate Bill No. 333, na ­humihiling na i-re­gulate ang ­manufacturing, importation, at paggamit ng single-use plastic ­products.

Sa ilalim ng batas, ipagbabawal ang paggamit ng plastic pambalot sa mga pagkain, ­tindahan, palengke at mga retailers.

“We appeal to the ­Pre­sident to certify the bill as urgent. The world needs the ban on ­single-use plastic. And as the ­Philippines is one of the biggest ­producers of plastic waste, the world will benefit from such a ban,” apela naman ni ­Senador ­Francis Pangi­linan. (­Juliet de ­Loza-Cudia/Prince Golez/Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy