Una sa Balita

Ban sa chicken inalis

By
0 5

ILOCOS SUR — Bagama’t tinanggal na ang ban, hindi pa rin makakapasok sa lalawigang ito ang mga live poultry mula sa Nueva Ecija at Pampanga.

Ayon kay Ilocos Sur Provincial Veterinarian Dr. Joey Bragado, kailangan pa ring maging maingat at masiguro na hindi makakapasok sa probinsiya ang bird flu virus dahil mas malaking problema ang lilikhain nito kung sakali.

Sapat pa naman aniya ang mga live poultry at poultry products mula sa mga local poultry farm sa lalawigang ito maging ang mga nagmula sa iba pang mga lalawigan kung kaya’t walang dapat ipangamba ang mga mamimili.

Kinumpirma ni Bra­gado na walang bird flu virus sa lalawigan kaya ligtas na kainin ng mga tao ang mga karne ng manok at iba pang poultry animals maging ang mga poultry products.

Sa katunayan ay nagsagawa ng boodle fight sa kapitolyo dito ang mga government ­officials at iba pang stakeholders sa pagkain ng mga Filipino chicken recipes gaya ng adobo at lechon. ­