Una sa Balita

Ban ng provincial bus sa Edsa ipinagpaliban

By
0 769

BINAGO ng Metropolita­n Manila Development Authority (MMDA) ang ­petsa para sa pagpapatupad ng pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA tuwing rush hour.

Ayon kay MMDA Ge­neral Manager Jojo Garcia­, nagkasundo ang ­ahensiya at mga operator na sisimulan sa unan­g araw ng Agosto, taong kasalukuyan ang implementasyon sa pagbaba­wal sa mga provincial bus na bumagtas sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hour.

Naunang sinabi ng MMDA na dapat ay sa Hulyo 15 na ang implementasyon sa pagbaba­wal ng mga provincial bus sa EDSA.
Subalit iniurong ang petsa para sa implementasyon ng naturang patakaran matapos magkaroon ng pag-uusap at pagkakasundo sa pagitan ng MMDA at mga provincial bus operator.

Sinabi ni Garcia, ba­wal lamang ang mga provincial bus sa EDSA tuwing rush hour, mula alas-siyete hangang alas-10:00 nang umaga, at alas-sais hanggang alas-nuwebe nang gabi.

Ang mga manggaga­ling na bus mula sa Norte ay hanggang EDSA, Cuba­o, Quezon City l­amang, na maaari silang magsakay at magbaba ng kanilang pasahero.

Habang ang mga manggagaling Southern o Katimugang Luzon ay hanggang sa area lamang ng EDSA, Pasay City.

Sinabi ni Garcia, ma­ngangahulugan aniya ito na mas mapapaluwag na ang daloy ng trapiko sa EDSA, mula Ortigas area hanggang Magallanes dahil mga city bus at priba­dong behikulo lamang ang papayagang bumagtas dito.

Kung kaya exempte­d sa number coding ang mga provincial bus sa EDSA.

Pahayag pa ng MMDA, magkakaroon muna ng dry run simula­ Hulyo 23 para sanayin ang mga driver ng provincial bus sa bagong patakaran. (­Armida Rico)