Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bamboo mapagkumbaba: Arnel Pineda sikat pa rin sa Amerika

0 253

‘Kapagod din ‘yung sunud-sunod na biyahe ko papunta sa magkakaibang lugar dito sa Amerika para i-cover ang three ‘First Light’ concert nina Arnel Pineda at Bamboo na produced ng Spotlight Media Entertainment nina Ms. Pen de Leon-Manahan at Kuya Jerry Manahan, huh!

Pero alam mo, Dondon (my dear editor), ok lang and I’m not complaining dahil ang saya-saya ng bawat isa sa three shows na pinanood ko.

‘Yung sa Las Vegas, Nevada na ginawa sa Sam’s Town Hotel Casino, na-enjoy namin talaga at kasama pa nga naming nanood si Raymond Gutierrez na sobra ring nag-enjoy.

‘Yung sa San Jose, California show, ang bongga rin at marami ring kinanta sina Arnel at Bamboo na iba naman sa first show nila.

At ‘yung last Friday (Saturday lunch time sa ‘Pinas) na ginawa naman sa Snoqualmie Casino sa Snoqualmie, Washington (tabi ng Seattle), iba rin.

Sa third show na pinanood ko, nauna namang mag-perform si Bamboo.

Pero sa totoo lang, parehong ang galing-galing nina Arnel at Bamboo.

Sabi ko nga kay Ms. Pen, since balak niyang i-produce uli sina Arnel at Bamboo, aba, manonood uli ako.

Sila kasi ‘yung tipong hindi ka magsasawa, huh!

In fairness, ang bait-bait din nina Arnel at Bamboo.

Type ko ang ugali nila na very down to earth, ‘noh?!

May mga nadiskubre rin ako kina Arnel at Bamboo dahil sa pagsama ko sa three shows nila.

Si Arnel, ang gamit pala ay conditioner lang.

Noon daw kasi, kapag nagsa-shampoo siya, kumukulot ang buhok niya.

Kuwento nga niya sa amin, pati raw mga anak niya ay sinasabihan niya na conditioner na lang ang gamitin.

Naikuwento rin ni Arnel na may 32-year old na anak na siya kahit nga mukhang bata pa ang lead singer ng grupong The Journey na very famous pa rin sa Amerika!

At si Bamboo? Naku, vegan pala siya.

Ang kinakain nga ni Coach Bamboo ay ‘yung puwede lang sa mga katulad niya na vegan-diet.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.