Una sa Balita

Bamboo, Johnny Cross sa Send-off ng Bayan

0 438

ISANG konsiyerto na tatampukan ng popular singer na si Bamboo at lumikha ng kanta para sa mga atleta na Johnny Cross kasama ang dalawang iba pa ang magpapasaya at magbibigay inspirasyon sa mga pambansang atleta sa gaganapin na Send Off ng Bayan sa Nobyembre 13.

Inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga pambansang atleta na ninanais nitong makapagpakita ng magandang kampanya sa nalalapit na pagho-host nito ng ika-30 edis­yon ng Southeast Asian Games, maririnig sa konsiyerto ang binuo ng Johnny Cross na kantang “Pilipinas” na inaasam nitong maging battle song sa mga torneo.

“Naisip ko kasi noon kapag nakikita ko na lumalaban ang mga pambansang atleta natin na mayroon silang musika na pinapakinggan na maging inspirasyon nila bago lumaban kaya umisip ako ng isang kanta para sa kanila,” sabi ng singer-composer at Manila Standard sports editor na si Riera Mallari.

Maliban kina Bamboo at Johnny Cross Band, tutugtog din ang The Juans at Silent Sanctuary habang magpapakita ng kanilang galing sa cheerdance ang Arellano Chiefs Pep Squad.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na orihinal na nakatakdang isagawa ang aktibidad sa bagong gawa na Rizal Memorial Coliseum bagaman kung hindi makukumpleto sa itinakdang araw ng mga contractor na Nobyembre 12 matatapos ay isasagawa ang aktibidad alinman sa Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Baseball Field. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy